5
At pumasok si Joab sa bahay, sa hari, at nagsabi, Iyong hiniya sa araw na ito ang mga mukha ng lahat na iyong lingkod na nagligtas sa araw na ito ng iyong buhay, at ng mga buhay ng iyong mga anak na lalake at babae, at ng mga buhay ng iyong mga asawa, at ng mga buhay ng iyong mga babae;
6
Sa iyong pagibig sa nangapopoot sa iyo, at pagkapoot sa nagsisiibig sa iyo. Sapagka't iyong inihayag sa araw na ito, na ang mga prinsipe at mga lingkod ay walang anoman sa iyo: sapagka't aking nagugunita sa araw na ito, na kung si Absalom ay nabuhay, at kaming lahat ay namatay sa araw na ito, ay disin nakapagpalugod na mabuti sa iyo.
11
At nagsugo ang haring si David kay Sadoc at kay Abiathar na mga saserdote, na sinasabi, Magsipagsalita kayo sa mga matanda sa Juda, na magsipagsabi, Bakit kayo ang huli sa pagbabalik sa hari sa kaniyang bahay? dangang ang pananalita ng buong Israel ay dumating sa hari, upang ibalik siya sa kaniyang bahay.
26
At siya'y sumagot, Panginoon ko, Oh hari, dinaya ako ng aking lingkod: sapagka't sinabi ng iyong lingkod, Ako'y maghahanda ng isang asno, upang aking masakyan, at yumaong kasama ng hari; sapagka't ang iyong lingkod ay pilay.
37
Isinasamo ko sa iyo na pabalikin mo ang iyong lingkod, upang ako'y mamatay sa aking sariling bayan, sa siping ng libingan ng aking ama at ng aking ina. Nguni't, narito, ang iyong lingkod na Chimham: bayaan siyang tumawid na kasama ng aking panginoon na hari; at gawin mo sa kaniya, kung ano ang mamabutihin mo.
41
At, narito, ang lahat na lalake ng Israel ay nagsiparoon sa hari, at nagsipagsabi sa hari, Bakit ninakaw ka ng aming mga kapatid na mga lalake ng Juda, at itinawid ang hari at ang kaniyang sangbahayan sa Jordan, at ang lahat na lalake ni David na kasama niya?